270

Dec 26, 2017 @ 17:32

7 bus ng Partas, sinuspinde ng LTFRB

Sinuspinde ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa loob ng 30 araw ang pitong bus ng Partas dahil sa pagkabigo ng huli na makapagsumite ng dash cam footage at GPS tracking date ng bus na sangkot sa malagim na aksidente sa Agoo, La Union na ikinasawi ng 20 katao.

Ayon kay LTFRB board member Atty. Aileen Lizada, binigyan nila ang Partas na makapag-submit ng data hanggang alas-12 ng tanghali kanina subalit ang CCTV footage lamang ng inteior ng bus ang isinumite ng mga ito.

“The violation of Partas is for the failure to comply with the directive of the board considering 36 hours na po ang nakalampas since the road crash,” ani Lizada.

Sakop ng suspensiyon ang mga bus ng Partas na may rutang Pagudpud, Ilocos Norte-Sampaloc, Manila route at magiging epektibo simula sa Miyerkules, Disymebre 27.

Sabi ni Lizada, ang pitong units ay bahagi lamang ng kabuuhang 29 na prangkisa ng Partas na 187 na bilang ng mga bus.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?