147

Dec 12, 2017 @ 18:40
By

7 beses na biyahe ni Ridon sa isang buwan, sobra na – Duterte

Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi personal ang dahilan nang pagsibak nito kay Terry Ridon at iba pang opisyal ng Presidential Commission for the Urban Poor.

Sa kanyang talumpati kahapon sa 2016 Presidential Award for the Child-Friendly Municipalities and Cities na ginanap sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na masyadong maraming biyahe si Ridon sa abroad gayong saglit na panahon pa lamang itong nakaupo sa PCUP.

“Si Ridon , ‘yung chairperson, although if you thanked me for the time that he was there appointed and maybe… Ako naman no personal reasons really to fire him except that — you know, you had too much too soon.

He was appointed September and he traveled about seven times. And to think that the office is an urban poor agency,” ang pahayag ng Pangulo.

Sinabi pa ng Presidente na mas inatupag ng mga opisyal ang junket at isa o dalawang beses lamang na nag-hearing ang mga ito.

Hindi rin aniya nito maintindihan kung bakit kailangang present lagi si Ridon at iba pang opisyal ng PCUP sa mga international conference gayong magastos ito kayat lahat ng opisyal na bibiyahe ay dadaan na sa kanyang opisina.

“I simply cannot… I cannot understand why you have to be there at every powwow in the international scene. We cannot afford it.

And that is why henceforth I said everybody, everybody must get the permit from my office. And I will see if it’s really worthwhile,” dagdag pa ng Pangulo.

Sa ipinadalang sagot naman ni Atty. Ridon, lahat ng naging biyahe nito ay may permiso mula sa Office of the President at may rekomendasyon ng Office of the Cabinet Secretary. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?