75

Sep 28, 2019 @ 18:26
By

7-anyos na Fil-Am powerlifter pampalakas ang lumpia

Kinabiliban sa social media ang 7-anyos na Filipino-American na si Jordan Mica dahil sa lakas nito bilang isang batang powerlifter.

Ang sikreto umano ng lakas niya? Lumpia.

“Because it has meat and veggies,” sabi ni Jordan sa ABS-CBN News.

Bata pa lang daw, interesado na si Jordan sa nasabing sport, ayon sa kanyang tatay na si Jason.

“One thing that I always did was just leave a bar out here for him to play around with. And we have videos on his Instagram where he literally just picks it up and starts playing with it,” sabi ng tatay.

Sa ngayon, masayang nagbubuhat ang bata kasama ang kanyang “Lumpia and Deadlifts Team.”

Samantala, tiniyak naman ni Jason na pwede ang powerlifting sa mga bata basta’t may maayos na paggabay ng mga matatanda.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?