9

By

7-anyos na bata tinangay ng mga armado sa Tawi-Tawi

Sharing is caring!

Dinukot ng mga armadong kalalakihan ang isang pitong taong gulang na bata habang sugatan ang ina nito nang maganap ang kidnapping sa Brgy. Himba Tandubas, Tawi-Tawi kagabi.

Sa report ng Tawi-Tawi Police Provincial Office, alas-9:30 ng gabi, pitong armadong lalaki na nagsasalita ng Tausug ang sakay ng isang bangka at dumaong sa tindahan ng negosyanteng si Rahim Asta para bumili ng gasolina.

Ngunit biglang hinatak umano ng mga salarin ang 7-anyos na bata at sapilitang isinakay sa bangka.

Pinilit pa ng mga magulang ng bata na agawin ang kanilang anak pero nagpaputok ng baril ang mga suspek kaya tinamaan ang nanay ng biktima na si Rahsa Malyn Asta.

Sugat sa kaliwang hita ang tinamo ng biktima na agad isinugod sa pagamutan.

Nakatakas naman ang mga suspek sa direksyon patungo ng lalawigan ng Sulu bitbit ang bata. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?