96
Dead
Dec 12, 2017 @ 12:34

7-anyos na babae, patay sa dengue – Dr. Tayag

Habang abala ang Senado sa pagdinig sa Dengvaxia, inihayag ni the Department of Health (DOH) Assistant Secretary Dr. Eric Tayag na isang babae ang namatay dahil sa severe dengue.

Sa kanyang Twitter account, sinabi nitong namatay ang 7-anyos na batang babae nitong Martes ng umaga dinidinig ng Senate blue ribbon committee ang kontrobersiyal na Dengvaxia controversy.

“Yesterday while the senate was unearthing facts to sort out the #dengvaxia debacle, I prayed hard so that a 7 year old girl I visited in a hospital will recover from organ failure due to severe #dengue She was unvaccinated She died early today ? I’m?#stopDengue,” sabi ni Tayag.

Sabi nito, binisita pa niya ang bata sa ospital ang isinagawa ang imbestigasyon ng Senado sa nasabing kontrobersiya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?