581
rape
Oct 15, 2017 @ 13:33

7-anyos na babae, ginahasa ng delivery boy

Isang pitong taong gulang na batang babae na ginahasa ng isang delivery boy sa Caloocan noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Caloocan City Police – Women and Children Protection Desk (WCPD), alas – 5:00 pasado ng hapon nang maganap ang insidente sa bahay biktima na itinago sa pangalang Timmy, grade 2 pupil, at nakatira Barangay 12.

Dumating umano ang suspek na nakilalang si Vincent Amor, 36,  para ihatid ang order na tubig.

Nang mapansin na nag-iisa lamang ang paslit sa kanilang bahay ay doon na umiral ang makamundong pagnanasa ng suspek at ginahasa ito. Tumakas agad ang suspek matapos ang panghahalay.

Matapos maikwento ng bata, nagtungo ang mga magulang ng biktima sa pulisya at sa follow-up operation ay naaresto ang suspek na ngayon ay nahaharap sa kasong rape. (Cherk Balagtas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?