199,642

May 17, 2019 @ 17:24
By

7 anak ni-rape ng ama sa Cebu

Hindi lang isa kundi pitong anak niya ang ginahasa ng isang ama sa Talisay City, Cebu.

Ayon sa ulat, unang inireklamo ang suspek sa Talisay Police dahil sa baril pero isinumbong din siya ng isa sa mga anak niya ng panggagahasa.

Dito umano inilahad ng biktima na hindi lang siya ang pinagsamantalahan ng kaniyang ama kundi maging ang anim pa niyang mga kapatid na 5-anyos ang pinakabata.

Maging ang mga anak umanong lalaki ng suspek ay pinapagawa niya ng kalaswaan.

Mahaharap ang suspek sa kasong incestuous rape at acts of lasciviousness.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?