17

Dec 2, 2021 @ 17:39
By

7.6M nabakunahan vs. COVID-19 sa ‘Bayanihan, Bakunahan’ – Cabotaje

Mahigit 7.6 milyon na indibidwal ang nabakunahan kontra coronavirus sa inilunsad na tatlong araw na national vaccination drive.

Ayon kay National Vaccination Operations Center chairperson at Health Undersecretary Myrna Cabotaje, ang bilang ay hindi pa kumpleto dahil may vaccination site pa ang hindi nakakapagpasa ng report.

“Hindi pa ho kumpleto ‘yung ating mga report, may updating that is happening but we are very happy with the initial report kasi this is more than 2 times the daily vaccination rate,” pahayag nito sa press briefing nitong Huwebes.

Dagdag pa ni Cabotaje, noong unang araw mahigit 2.7 milyon ang naturukan; 2.4 milyon naman noong pangalawang araw; at 2.4 milyon sa huling araw.

Samantala, in-extend ang “Bayanihan, Bakunahan” hanggang Biyernes para makamit ang target na ma-inoculate na siyam na milyong indibidwal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?