65
june-mar-7
Apr 4, 2018 @ 20:47
By

6th BPC award, nasungkit ni June Mar

Bago ang bakbakan sa Game 4 ng All-Filipino Cup Finals sa pagitan ng San Miguel Beer at Magnolia Hotshots, inanunsiyo muna ng PBA ang nagwaging Best Player of the Conference (BPC).

Kabilang sa mga nominado sina June Mar Fajardo (SMB), Japeth Aguilar (Ginebra), Arwind Santos (SMB), Stanley Pringle (GlobalPort), JP Erram (Blackwater), Marcio Lassiter (SMB) at Alex Cabagnot (SMB).

Nangibabaw sa mga nabanggit si Fajardo at nasungkit ang BPC award sa nahamig na 468 statistical points, 551 points mula sa media, 110 points sa players at 115 points sa PBA na may kabuuang 1,279 points.

Ito na ang ika-anim na BPC award ni ‘The Kraken’, sapat para maihanay siya sa kasaysayan ng PBA at siyang may pinakamarami ngayong naiuwing BPC award.

Nalagpasan niya sina Alvin Patrimonio na tatlong beses tinanghal na BPC, Vergel Meneses (3), Eric Menk (3), Mark Caguioa (3), Jayson Castro (4), at idolo ni Fajardo na si Danny Ildefonso (5).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?