220

Jun 6, 2021 @ 11:45
By

6MOY binangko lang! Harrell dismayado sa Lakers

Mula sa pagiging Sixth Man of the Year, naging bangko si Montrezl Harrell para sa Los Angeles Lakers sa first round ng playoffs.

Sa NBA bubble, nag-average ng higit 18 points si Harrell noong playoffs para sa Clippers, ngunit malayo ito sa kanyang naging performance sa Lakers.

Dalawang beses na hindi pinaglaro si Harrell, 9.8 minutes lang ang average playing time.

Sa Instagram, sumagot si Harrell at sinabing ginawa lang niya ang ‘role’ na ibinigay sa kanya.

Wala pang pahiwatig si Harrell kung iiwan na niya ang Lakers sa susunod na season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?