7
ABANTE passengers pasahero matnog port sorsogon bicol
By

6K pasahero stranded sa pier sa Bicol dahil sa masamang panahon

Sharing is caring!

Dahil sa umiiral na gale warning bunsod ng malalaking alon, umaabot na sa 6,800 ang stranded na mga pasahero sa Bicol Region.

Sa pinakahuling ulat ng Philippine Coast Guard (PCG), nasa 660 rolling cargo ang hindi rin nakabiyahe, dalawang barko at dalawang motorbanca ang hindi naman nakapaglayag.

Ang bulto ng mga stranded na pasahero ay mula sa Matnog Port sa Sorsogon na may 6,636.

Sa Albay, mayroong 89 pasahero ang nabalam ang byahe, at sa Camarines Sur, may naitala namang 75 pasahero na stranded.

Bagama’t walang nararanasang bagyo, tinukoy ng Philippine Atmospheric Geophysical Services Administration (PAGASA) na ang pag-ulan sa Bicol Region ay bunsod ng epekto ng “tail end of a cold front.” (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?