89

Oct 19, 2021 @ 13:36
By

6K paniki na pangtsibog sana nasabat sa Bulacan, 4 kelot timbog

Pinosasan ng mga awtoridad ang apat na boylet matapos mahulihan ng mahigit 6,000 paniki sa San Miguel, Bulacan.

Nahuli sina Rolando Santiago, Reynante Gonzales, Rejie Mangahas, at Ronald Santiago sa Biak-na Bato National Park.

Napag-alaman sa imbestigasyon na dapat palang dadalhin sa ilang exotic restaurant ang mga paniki upang ibenta.

Batay sa report, aabot sa P90,000 ang halaga ng mga paniki kapag naibenta.

Ayon sa ulat ng GMA News, ang mga nasabat na paniki ay kasama sa listahan ng mga vulnerable species ng Department of Environment and Natural Resources sa ilalim ng Updated National List of Threatened Philippine Fauna and their Categories.

Dahil dito, nahaharap sa rekasong paglabag sa National Integrated Protected Areas System Law ang apat na magkakasabwat. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?