7

Mar 4, 2021 @ 23:12
By

69th Miss Universe rarampa sa Mayo

Matapos ang isa’t kalahating taon ng pagka-delay, magbabalik ang Miss Universe competition with a live telecast sa May 16, 2021 (May 17 sa Pilipinas).

Gaganapin ang 69th Miss Universe event sa Seminole Hard Rock Hotel & Casino sa Hollywood, Florida, ayon kay Miss Universe Organization president Paula Shugart.

Susundin nito ang ginamit na guidelines sa 2020 Miss USA competition sa Memphis.

Pinag-aaralan pa kung magiging limitado ang live audience nito.

Noong 2019, si Miss South Africa Zozibini Tunzi ang tinanghal na Miss Universe at dahil sa coronavirus pandemic, tinanggal ng organisasyon ang 2020 edition ng pageant.

Samantala, wala pang announcement kung sino ang magiging host ngayong taon ng annual international beauty pageant.

Sa nakalipas na limang taon, si comedian Steve Harvey ang nag-host ng kompetisyon.

Si Rabiya Mateo, na nagwagi sa Miss Universe Philippines competition noong October 2020, ang kakatawan sa Pilipinas sa Miss U.

https://www.instagram.com/p/CL9mWMlgqzz/

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?