10

Feb 25, 2021 @ 9:24
By

69 pagyanig naitala sa Taal, tumagal ng hanggang 1 oras

Nakapagrehistro ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ng 69 yugto ng volcanic tremor sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Isa hanggang 61 minuto ang tinagal ng bawat pagyanig.

“Sa kabila nito, mayroon lamang mahinang pagsingaw mula sa mga fumaroles o gas vents sa Main Crater,” batay pa sa Pebrero 25 bulletin ng PHIVOLCS.

Sinabi rin ng Intitute na ang mataas na temperatura ay huling nasukat sa lawa ng main crater noong Peb. 12 at Peb. 18.

Pinaalalahanan ng PHIVOLCS ang publiko na kasalukuyan pa ring nakataas sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal.

“Sa Alert Level 1, ang steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas ay maaaring biglaang maganap at manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island o TVI,” saad ng ahensiya.

“Mariing iminumungkahi ng DOST-PHIVOLCS na maigting na ipagbawal ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone o PDZ ng bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure.”

“Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat na patuloy na suriin at pagtibayin ang kahandaan ng mga dati nang nilikas na barangay sa paligid ng Lawa ng Taal kung sakali mang magkaroon ng panibagong pagaalboroto ang bulkan,” dagdag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?