43
69 ni George, Westbrook, pinalubog ang Trailblazers sa OT
By

69 ni George, Westbrook, pinalubog ang Trailblazers sa OT

Walang panama ang Portland Trailblazers sa hagupit ng tambalan nina superstar Russell Westbrook at Paul George para sa Oklahoma City Thunder.

Sa nasabing laban, nakaangat sa third spot ang Oklahoma tangan ang 40-25 win-loss record, sumungkit ng 129-121 victory kontra sa Portland.

Humarurot ng 37 points si Russell Westbrook, may pitong boards at anim na assists, binuslo pa ang panlamang na tres 118-117 na nagsimula ng momentum para sa OKC.

Samantala, tumipa naman si George ng 32 points, 14 rebounds at anim na dimes para manumbalik ang angas sa court.

Tumapos naman ang Portland star na si Damian Lillard ng 51 markers, siyam na assists at limang rebounds ngunit hindi ito nagging sapat para igiya ang koponan sa panalo.

Kanyang nakatuwang si CJ McCollum na may 25 points, 13 points, 17 boards naman para sa center na si Jusuf Nurkic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?