52

Jul 23, 2018 @ 11:09
By

69% ng Pinoy naniniwalang drug war ang importanteng nagawa ng Duterte admin

Pito sa 10 na Pinoy ang naniniwala na ang kampanya sa iligal na droga ang pinaka-importanteng nagawa ng administrasyong Duterte sa panunungkulan nito.

Batay sa resulta ng survey na inilabas ng Pulse Asia ngayong Lunes, 69 porsiyento ang nagkokonsidera na ang pagtuon sa problema sa droga ang maipagmamalaki ng administrasyon.

Pumangalawa ang paglaban sa kriminalidad sa 50% kasunod ang dagdag sahod ng mga pulis at sundalo sa 30%.

Nasa 28 porsiyento lang ang nagsabi na ang paglaban sa korapsiyon at katiwalian ang importanteng nagawa, na isa sa pangako ni Pangulong Rodrigo Duterte noong kampanya.

Isinagawa ang survey mula Hunyo 15-21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?