162
ABANTE bjmp tapayan pdea drug free jail
Jan 16, 2018 @ 18:29
By

68 kulungan sa bansa, drug-free na – PDEA

Sinertipikahan na drug-free ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang 68 sa 481 kulungan sa bansa na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Sinabi ni BJMP Director Deogracias Tapayan, ito ay record breaking at aniya magpapatuloy ang paglilinis nila sa kanilang mga kulungan sa pamamagitan ng Oplan Linis Piitan.

Sa Ilocos Region may pinakamaraming certified drug-free facility sa bilang na 17.

Paliwanag pa ni Tapayan, ibinibigay nila ang sertipikasyon kung sa serye ng Greyhound Operations ay walang nakuhang droga sa mga detenido at selda.

Kailangan din aniya na wala sa mga detenido ang magiging positibo ang resulta sa drug tests, maging sa mga jail officer, kasama na ang warden.

Dagdag pa ng opisyal, kailangang agresibo rin sa anti-drug campaigns sa nasasakupan nilang komunidad ang BJMP personnel. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?