27
oscar-albayalde
Mar 27, 2018 @ 16:26

68 insidente ng pamamaril, ‘di pa nareresolba – NCRPO

Nakapatala ang National Capital Region Police (NCRPO) ng 68 kaso ng pamamaril kung sangkot ang motorcycle riding-in-tandem suspects subalit hindi pa ito nareresolba sapul nang ibalik ang giyera kontra illegal drugs, ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde.

Mula Disyembre 5 ng nagdaang taon hanggang Marso 13, mahigit sa 77 kaso ng pamamaril ang naitala ng NCRPO subalit siyam lamang dito ang naresolba at nasampahan ng kaso sa korte.

Sabi ni Albayalde, inatasan sila ni Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” dela Rosa na pagtuunan ang pagresolba sa kaso ng riding-in-tandem.

Gayunpaman, sinabi ni Albayalde na hindi dapat ikonsidera na nakakaalarma ang nasabing mga kaso dahil hindi naman sila tumitigil para maresolba ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?