21

Jul 18, 2021 @ 9:31
By

68 BFP trainee sapol ng COVID sa Baguio

Nagkahawaan na rin ang mga trainee ng Bureau of Fire Protection (BFP) na nagsasagawa ng training sa Baguio City.

Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, aabot 68 sa 130 trainee ng BFP ang nagpositibo sa new coronavirus.

Matatandaan na ilang araw na ang nakalilipas ay pinatigil ni Magalong ang BFP, pati ang Philippine National Police, sa kanilang training dahil hindi umano sumusunod ang mga ito sa health protocol.

Ngunit ayon kay Magalong ay pinagpatuloy pa rin ng BFP ang kanilang training sa kabila ng utos ng alkalde.

Dahil dito’y pina-iimbestigahan ni Magalong kay BFP chief Jose Embang Jr. ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?