68

Feb 16, 2020 @ 13:00
By

68.5K nahawa ng coronavirus sa China

Sabi ng Chinese National Health Commission nitong Linggo ng umaga na umabot na sa 68,500 ang tinamaan ng novel coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa mainland China.

Nadagdagan naman ng 142 ang pumanaw kaya nasa 1,665 na ang patay sa mainland China dahil sa nasabing sakit, as of Pebrero 16, 2020.

Samantala, tatlo pa rin ang kumpirmadong kaso, habang 154 ang nananatili sa ospital sa Pilipinas dahil sa COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?