42

Feb 29, 2020 @ 12:29
By

67M view natapyas sa ‘ON’ MV: Mga ARMY nanggalaiti sa Youtube

Binanatan ng milyong ARMY, tawag sa mga fan ng sikat na Korean Pop group na BTS, dahil sa pagkakabawas ng nasa 67-million views sa kanilang bagong kanta na ‘ON’.

Nilabas ng BTS nitong February 28 ang kanilang bagong music video para sa ‘ON’, kung saan lampas isang oras pa lang ang nakalilipas ay sumampa agad sa 10 million ang nakapanood dito.

Inungusan ng nasabing video ang sarili ding music video ng BTS na ‘Boy With Luv’ sa may pinakamabilis na nakaabot sa 10-million views.

Ngunit napareklamo ang mga ARMY nang makita na binura umano ng Youtube ang nasa 67-million views, kung saan nasa 47-M na lang makalipas ang ilang oras.

Saad ng mga ARMY dapat ay nasa 114-million views na ang nasabing music video, at hinihiling na ibalik ng Youtube ang nawalang mga views.

Paliwanag ng Youtube ay normal umano ang pagbaba ng views para mapigilan ang pagdami ng mga bots.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?