8

By

679 huli sa paglabag sa ordinansa

Sharing is caring!

Umaabot na sa 679 pasaway na mga residente ang naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Eastern Police District (EPD) sa magdamagang simultaneous anti criminality law enforcement operation.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ni EPD District Director General SSupt. Bernabe Balba, patuloy ang pagsasagawa ng magdamang operasyon sa paghuhuli sa mga lumalabag sa batas, at ang mga pasaway na residenteng hindi marunong sumunod sa ipinatutupad na ordinansa sa Pasig, San Juan, Mandaluyong at Marikina City.

Nasa 21 katao ang inaresto na lumabag sa ordinansang drinking in public places, nasa 159 naman ang huli sa smoking ban, nasa 30 ang half naked cases o walang damit pang-itaas na kadalasan ay mga kalalakihan ang nahuli, nasa 29 katao ang nahuling kabataan na lumabag sa curfew habang nasa 440 naman ang huli sa iba pang kaso ng paglabag sa ordinansa na mahigpit na ipinatutupad sa EPD area.

Base sa tala ng EPD, nasa 220 katao ang nahuling lumabag sa ordinansa sa Pasig Police, nasa 311 naman ang inaresto sa Mandaluyong, 43 katao ang naaresto ng Marikina Police habang nasa 105 tambay naman ang nahuli ng San Juan Police na pawang mga lumabag sa ordinansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }