55
American national
By

67-anyos na ina pinalakol ng anak

Idineklarang dead on arrival sa Javonillo Hospital ang isang 67-anyos na kasambahay matapos palakulin ng 42-anyos niyang anak nitong Sabado sa Cordon, Isabela.

Ayon sa ulat, kinompronta ng lasing noon na suspek na si Tony ang inang si Juanita Innit tungkol sa problema ng kanilang pamilya sa Barangay Wigan alas- 12:15 ng hatinggabi (June 29).

Posible umanong nagalit si Tony sa alitan tungkol sa ari-arian.

Kasalukuyan na siyang nakakulong sa Isabela police at mahaharap sa kasong parricide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?