8

Jun 11, 2021 @ 16:48
By

6,686 bagong nagpositibo; 196 namatay sa COVID

Pumalo na sa 1,300,349 ang total na kumpirmadong tinamaan ng coronavirus sa Pilipinas matapos madagdagan ng 6,686 bagong nagpositibo nitong Biyernes, June 11.

Ayon Department of Health (DOH), mayroong 61,345 active case o ginagamot sa kasalukuyan laban sa COVID-19.

Samantala, panibagong 196 pasyente ang nasawi kaya tumaas sa 22,507 ang death toll.

Nakarekober naman ang 3,190 katao, kaya sampa sa 1,216,497 ang kabuuang gumaling sa COVID nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?