46

Apr 20, 2020 @ 22:19
By

660 paaralan bilang COVID-19 quarantine, aprub sa DepEd

Nasa 660 nang eskuwelahan ang pinayagan ng Department of Education (DepEd) na gamiting mga temporary quarantine o isolation area laban sa COVID-19.

“Currently, there are 660 schools in various locations already approved by the DepEd to be used by LGUs for COVID-19 related concerns such as isolation areas, quarantine areas, and other authorized purposes,” ani Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kasalukuyan ay nasa 300 pang paaralan ang sumasailalim sa evaluation para maging quarantine area.

Samantala, siyam na state universities and colleges ang kinokonsidera rin ng Commission on Higher Education na posibleng maging quarantine facility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?