66% Pinoys satisfied sa hakbang ng gobyerno vs Maute

Sharing is caring!

Lagpas sa kalahati ng mga Pinoy ang sumang-ayon sa ginawang hakbang ng gobyerno kontra Maute group na umukopa sa Marawi City sa loob ng limang buwan, ayon sa bagong Social Weather Stations (SWS).

Sa survey na isinagawa noong Setyembre 23-27 na may 1,500 respondents, lumabas na 66 porsiyento ng mga Pinoy ang kontento sa aksiyon ng pamahalaan para mapigil ang teroristang Maute habang 18 porsiyento naman hindi sumang-ayon at 16 porsiyento naman ang undecided.

Ang resulta ay nagresulta sa net satisfaction rating na “good” +48, dalawang puntos na pagbaba mula sa”very good” +50 noong Hunyo.

Ang mga respondents ay tinanong ng: “Gaano po kayo nasisisyahan o hindi nasisisyahan sa ikinikilos ng ating gobyerno ukol sa kanilang ginagawa upang masugpo ang grupong Maute na lumusob sa Marawi City?”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?