31
albayalde
By

66 miyembro ng PNPA Maragtas isasabak sa mala-SAF training

Sharing is caring!

Magsisimula na ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang bagong patakaran na isabak sa mala-Special Action Force (SAF) training ang lahat ng kanilang recruits.

Unang isasabak ang 66 na miyembro ng PNP Academy Maragtas Class of 2018 na kanina ay isinagawa na ang badge of honor ceremony sa Camp Crame.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, ang mala-SAF training na ito ay tinatawag nilang Basic Internal and Security operations course na magtatagal ng anim na buwan.

Sinabi naman ni PNP-Human Resources Development deputy director Chief Supt. Reggie Catiis, bago ang anim na buwan na mabigat na training, kinakailangan munang sumailalim ng 20 araw na Patrol Officer Basic Course at 45 araw na Investigation Officer Course ang 66 na mga miyembro ng PNPA Maragtas.

Kumpiyansa naman si Albayalde na matatapos ng mga bagong graduate ng PNPA ang napakahirap na training sa PNP.

Aabot sana sa kabuuang 76 na mga bagong pulis ang magsasanay sa mala-SAF training pero 10 sa mga ito ay papasok sa Scout Ranger ng Philippine Army.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?