37

Apr 8, 2020 @ 16:57
By

66.6% ng Pinoy, masaya sa pagtugon ng gobyerno kontra COVID-19

Lumabas sa isinagawang survey ng political consultancy firm na PUBLiCUS Asia Inc., na 2/3rds o 66.6% ng mga Pilipino ang aprub sa ginagawang responde ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng gobyerno sa COVID-19 sa bansa.

Sa NCR COVID-19 Online Panel Survey, 16.4% naman ang hindi kuntento.

Ang NCR COVID-19 Survey ay isinagawa ng PUBLiCUS sa pakikipagtulungan sa Singapore-based Lightspeed Research noong Abril 2-6 sa pamamagitan ng isang online panel ng may 1,000 na residente sa Metro Manila edad 18-70.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?