395
jailed2
May 10, 2018 @ 12:11
By

Bastos na holdaper, arestado

Arestado ang bastos na holdaper sa isang follow-up operation ng Manila Police District-Algue Police Community Precint ,kamakalawa ng gabi sa sa kahabaan ng Narra Street sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang suspek na si Michael Sherwin De Leon, 23 na naaresto nina PO1s John Michael Dela Cruz, Gary Tucuera, Brian Montalban at Eric John Reyrata ng Padre Algue PCP.

Sa reklamo ni Sarah Joy Barlaan, 23 kay PO1 Wreslyn Fao-anan, papauwi na siya nang harangin at bastusin ng suspek dakong alas-7 ng gabi.

Kung anu-ano umanong malaswang sinabi ng suspek sa biktima at nang hindi niya pinansin ay kinalawit siya sa leeg at saka tinutukan ng cutter bago pilit na hiningi ang kanyang cellphone.

Sa takot ng biktima ay ibinigay na lamang niya ang kanyang cellphone.

Napansin ng isang bystander ang pangyayari kaya naman pinakawalan ng suspek ang biktima at nagsimulang tumakbo papalayo.

Agad na nagtungo ang biktima kasama ang kanyang tiya sa Moriones Tondo Police Station (PS-2) upang i-report ang nangyaring insidente dahilan kaya naaresto ang suspek sa follow-up operation ng mga pulis ng Algue PCP.

Kasalukuyang nakakulong sa MPD PS-2 ang suspek at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9262 (Anti-Violence Against Women and their Children) at Batas Pambansa Blg. 6 (An Act Reducing The Penalty For Illegal Possession Of Bladed, Pointed Or Blunt Weapons).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?