92

Jul 15, 2019 @ 17:32

65 katao patay sa baha, landslides sa Nepal

Umabot na sa 65 indibiduwal ang nasawi habang dose-dosena pa ang nawawala sa pananalasa ng monsoon rains sa Nepal na nagdulot ng mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Kabilang sa matinding napinsala ng pag-ulan ang Kathmandu Valley at Terai region sa southern border katabi ng India.

Natabunan ang mga kalsada at mga sasakyan ng tubig-baha na may kasamang mga putik.

Ilang residente rin ang na-trap sa kanilang mga bahay at nanatili sa kanilang mga bubungan.

Nagsimula ang monsoon rains sa lugar noong Huwebes na nagpalikas sa libo-libong residente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?