png
By

Duterte, bisita ng 2018 Philippine National Games

Sharing is caring!

Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ilang miyembro ng kanyang gabinete ang mga panauhing pandagal at magbubukas sa nakahanda nang 9th Philippine Sports Commission-Philippine National Games 2018 sa Abellana Sports Complex sa Cebu City at sa iba pang lungsod at bayan ng Cebu sa Mayo 19-25.

Napag-alaman ito kahapon kina PSC Chairman William “Butch” Ramirez at Commissioner Ramon Fernandez.

Bukod sa Punong Ehekutibo, imbitado rin sina Executive Secretary Salvador Medialdea, Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Jr. at Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano. Inanyayahan din sina Phil. Olympic Committee officials Victorico Vargas (president) at Patrick Gregorio (secretary general) at ang mga gobernador at alkalde ng mga local government unit.

“Since naroon na kami, we will also convene para mag-meeting na rin sa hosting natin next year ng (30th) Southeast Asian Games (2019),” pahabol ni Ramirez.

“Everything is ready,” deklarasyon naman ni Fernandez isang linggong nalalapit na palarong kilala ring National Olympic Games. Dinugtong niyang parating ang apat na World Karate Federation referees para mag-opisyo sa PNG karate tournament.

Humigit-kumulang sa 8,500 national athletes, training pool members at newcomers mula sa kapuluan ng bansa ang magtatagisan ng galing para sa 2,800 medals sa 22 sports. Target ng lahat na mapabilang sa national team.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?