pool
By

Misis ng pulis nalunod sa ‘pool’ sa birthday party

Sharing is caring!

Nagwakas sa trahedya ang masayang birthday celebration ng ina ng pulis makaraang mamatay sa pagkakalunod ang misis ng huli sa nirentahang swimming pool sa Pasong tamo, Quezon City, nitong Martes ng hapon.

Kinilala ni P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), ang nalunod na ginang na si Rocel Capalaran Montales, 28-anyos, may asawa, walang trabaho at residente ng No. 45 Sitio Evergreen, Brgy. Pasong Tamo ng nasabing lungsod.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Jerrome Dollente, ng CIDU-QCPD, ang insidente ay naganap dakong alas-5:30 ng hapon sa swimming pool na matatagpuan sa Urbano St., Philand, Brgy. Pasong Tamo.

Umiinom umano ng alak sa tabi ng swimming pool si PO1 Mc Javie Cacot, kasama ang iba pa nilang kamag-anak nang humahangos na lapitan ng kanilang anak na si Rosel at sinabing nalulunod ang ginang.

Agad namang tumalima ang pulis at nang makitang nakalutang sa pool ang katawan ng live-in partner ay agad siyang humingi ng saklolo sa kanyang uncle na si Ronnie Cesar, at isinugod nila sa Metro North Hospital ang ginang subalit idineklara itong patay na ng attending physician na si Dr. Ed Michael Putiz bandang alas- 6:12 ng gabi nitong Martes.

Nabatid na may nagtamo ng malalim na sugat ang ginang sa kaliwang paa na posibleng nadulas umano at tuluyang nalunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?