33

Mar 28, 2020 @ 8:05
By

6,400 workers at 2K informal workers naayudahan ng DOLE

Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na 6,400 workers at 2K informal workers na nakabase sa Metro Manila ay nakatanggap na ng tulong mula sa gobyerno.

Kasabay nito ay hinikayat ni Bello ang mga employer na ipadala na ang payroll ng kanilang mga manggagawa para mabigyan ng tulong ang kanilang mga workers.

Ayon kay Bello,wala silang gagawin kundi tingnan ang kalagayab ng mga workers at hindi bubusisiin ang mga estado ng kanilang mga workers kung ang ito man ay contractual o regular.

Posible umanong natatakot ang mga employer na mabisto ang estado ng kanilang mga workers kaya hindi isinusumite sa DOLE ang kanilang payroll.

Samantala ,bibigyan naman ng P537 kada araw ang mga informal workers na mabibigyan ng trabaho sa kani- kanilang barangay

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?