144

Nov 7, 2017 @ 16:21

64 riding-in-tandem criminals, nadakip ng PNP

Umaabot na sa 64 motorcycle-riding na mga kriminal ang naaresto ng Philippine National Police habang 380 pa ang patuloy na pinaghahanap.

Ang bilang na ito ay mula sa 115 na mga motorcycle riding incident sa nakalipas na 26 na araw mula ng pagigtingin ng PNP ang kanilang operasyon kontral riding in tandem criminals.

Ayon kay PNP Spokesperson Police Chief Supt Dionardo Carlos, pangunahing motibo ng mga nangyayaring motocycle riding in tandem incidents ay dahil sa pagnanakaw.

Sa rekord pa ng Directorate for Investigation and Detective Management mula October 10 hanggang November 5, umabot sa 363 biktima ng riding-in-tandem.

Mahigit naman sa 125 ay napatay habang 183 ay unharmed o hindi man lamang nasaktan.

Sa ulat din ng Generated from the Crime Information Reporting and Analysis System, sampu sa mga insidenteng ito ay drug-related. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?