81
63M balota para sa 2019 elections, tapos nang iimprenta
Apr 26, 2019 @ 19:48
By

63M balota para sa 2019 elections, tapos nang iimprenta

Natapos na umano ang pag-imprenta sa may kabuuang 63 milyon balota na gagamitin sa May 13, 2019 National and Local Elections (NLE).

Ayon kay Teopisto Elnas, Deputy Project Director of the Project Management Office for the upcoming polls, nagsimula na silang dalhin ang mga official ballot sa mga malalayong lugar.

“As far as the deployment of official ballots is concerned, we are in our third day of dispatch. The priority areas like Autonomous in Region Muslim Mindanao (ARMM), Sulu, Basilan and Tawi-Tawi and of course Batanes area. We already started deployment and it will end on May 4,” sabi ni Elnas.

Inaasahan umanong sa Mayo 4 ay nasa iba’t ibang munisipalidad na at city treasurers’ office ang mga opisyal na balota.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?