vernon
By

Macklin paparada sa Magnolia

Sharing is caring!

Tapos na ang pahinga ng Magnolia, sa unang pagkakataon ay tatapak ng court para umpisahan ang kampanya sa PBA Commissioner’s Cup.

Sa MOA Arena unang sasalang ang Pambansang Manok Hotshots, parehong venue kung saan sila kinalos ng San Miguel Beer sa Game 5 ng Philippine Cup Finals noong April 8.

Ibinalik ng Magnolia si Vernon Macklin para isagupa ang 6-foot-10 frame sa import-laced tournament.

Giniyahan ni Macklin, 31, ang Ginebra hanggang finals ng parehong torneo noong 2013 pero nawalis sa Alaska 3-0.

Matatasahan ang dating miyembro ng Detroit Pistons sa NBA laban kay James White ng Phoenix sa first game mamaya, bago ang salpukan ng Ginebra at TNT sa main game.

May kartang 1-1 ang Fuel Masters, matapos ibaon ang Blackwater 107-102 noong April 25 ay tumukod sa KaTropa 106-98 makalipas ang tatlong araw sa Antipolo.

Out na sa season ang defense specialist ng Hotshots na si Marc Pingris dahil sa knee injury, aangklahan ni Macklin ang depensa ng team kasama sina Ian Sangalang at Rafi Reavis.

Markado ni coach Chito Victolero ang pressure defense ng Phoenix, bagay na pipiliting basagin ng Hotshots.

“They thrive on pressure defense so we will also try to be ready physically and mentally, especially since Phoenix likes to run,” aniya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?