6
younghusband
By

Younghusband optimistiko sa Group C

Sharing is caring!

Optimistiko si Azkals team captain Phil Younghusband sa kanilang tsansa sa unang pagtuntong sa Asian Cup na gaganapin sa Enero 2019.

Ito ay matapos ang ginanap na draw sa Armani Hotel na dinaluhan ng opisyales ng Philippine Football Federation (PFF) at ilang manlalaro ng Philippine Azkals.

“I think its a good draw because at least we’ve played two teams in the group before so we know what to expect,” sabi lamang ni Azkals skipper Phil Younghusband.

Makakasagupa ng Pilipinas ang mga matitinding South Korea at China gayundin ang Krygyztan sa unang pagtuntong sa Asian Cup sa sa Dubai, United Arab Emirates.

Napunta ang Azkals sa Group C kasama ang Kyrgyzstan na tinalo nila dalawang taon na ang nakalipas.

Gayunman, ang pinakamatinding hamon sa Pilipinas ay ang pagsagupa sa mga Chinese at Korean na unang pagkakataon pa lang makakatapat ng Azkals. Matatandaan na tinalo ng China ang Pilipinas, 8-1, sa isang friendly match sa Guangzhou noong Hunyo 2017.

Ang mangungunang dalawang koponan sa anim na grupo at apat na best third place naman ang magkukuwalipika sa knockout stage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?