59
kuwait-deployment-ban
By

63 OFW sa Kuwait pinauwi ng embahada

Matagumpay na napabalik sa bansa ng Philippine Embassy sa Kuwait ang 63 undocumented overseas Filipino workers (OFW) noong Agosto 21, ayon sa Department of Foreign Affairs website.

Dahil dito, tiwala si Embassy Chargé d’Affaires Mohd Noordin Pendosina Lomondot na 264 na ang kabuuang bilang ng OFW na napauwi sa Pilipinas.

Bahagi ito ng Embassy Assisted Repatriation Program (EARP) na sinimulan ngayong taon. Magkatuwang na proyekto ang EARP ng Philippine Embassy at gobyerno ng Kuwait.

“I am very thankful to the Ministry of Interior of Kuwait for the invaluable assistance they continue to provide the Embassy. I would also like to thank the unfaltering and resilient officers and staff of the Embassy for their commitment and enthusiasm in making EARP successful,” ayon kay Lomondot.

Bukod sa all-expense ticket mula Kuwait patungong Maynila, may one-way air tickets din ang mga nabanggit na OFW mula Ninoy Aquino International Airport patungo sa kanilang mga probinsya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?