ABANTE dumangas iloilo nalason estudyante
By

63 estudyante, 8 guro nalason sa ‘beef with mushroom’ sa Iloilo

Sharing is caring!

Umaabot sa animnapu’t tatlong estudyante at walong guro na dumalo sa ginanap na ‘anti-drug symposium’ na may temang ‘Barkada Kontra Droga’ ang isinugod sa ospital makaraang magsuka at sumakit ang tiyan matapos na kumain ng ‘beef with mushroom’ na inihain sa kanila sa bayan ng Dumangas, Iloilo.

Batay sa natanggap na report sa Camp Crame mula sa Dumangas Police Station, ang mga estudyante at guro mula sa bayan ng San Dionisio ay naimbitahan para dumalo sa nasabing symposium tungkol sa illegal drugs.

Nang kumain na umano ng tanghalian ang mga estudyante at guro mula sa Dumangas National High School ng kanin at baka na may halong kabute doon na nakaramdam ang mga ito ng pagkahilo, pagsusuka at pananakit ng tiyan kaya naman lahat sila ay dinala sa Ramon Duremdez District Hospital sa bayan ng Dumangas, Iloilo.

Sa ospital ay nag-positibo ang mga estudyante at ang mga teacher nito sa sakit na ‘diarrhea’ kaya nanakit ang kanilang tiyan at nakaramdam nang pagkahilo dahil sa ‘food poisoning’. Nabatid na isang nakilalang Joel Dionela, galing ang mga pagkaing inihain sa mga mag-aaral at guro ng nasabing paaralan.

Ang mga biktima ay inoobserbahan pa sa nasabing ospital at inaalam pa kung kakasuhan ang may-ari ng nasabing caterer sa nasabing lalawigan. (Dolly B. Cabreza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?