40

By

63 barangay sa North Cotabato mapapabilang sa Bangsamoro region

Nasa 63 mula sa 67 barangay ng North Cotabato na bumoto pabor sa plebisito ng Bangsamoro Organic Law ang kabilang na sa Bangsamoro Autonomous Region, ayon sa Comelec.

Hindi naman makasasama ang anim na bayan sa Lanao del Norte dahil nanaig ang botong “No” rito.

Ang anim na bayan ng Lanao na hindi makasasama sa Bangsamoro region ay ang Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Togoloan at Tangkal habang ang apat na barangay sa North Cotabato na hindi rin mapapabilang ay ang Brgy. Lower Mingading, Pangan, Galidan sa Aleosan at Brgy. Balatican sa Pikit.

Iprinoklama ito ng Comelec en banc, na siyang nagsilbing National Plebiscite Board of Canvassers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?