80
wps
By

‘60-40’ hatian sa WPS joint exploration, win-win situation – Atienza

Sharing is caring!

Suportado ni Senior Deputy Minority Leader at Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa joint exploration agreement kasama ang China sa South China Sea.

Para kay Atienza, mas okay na ang 60-40 na hatian ng Pilipinas at China para sa joint exploration kaysa sumabak pa sa giyera.

Paliwanag ng kongresista, hindi kagaya ng Benham Rise na deklaradong parte ng teritoryo ng Pilipinas, ang West Philippine Sea ay pinag-aagawan pa hindi lang ng Pilipinas at China kundi ng iba pang bansa kabilang ang Taiwan, Brunei, Malaysia, Indonesia at Vietnam.

“For any country to force its claim on these would mean war. Can we defend our claim against all other comers? The Benham Rise, on the other hand, is clearly and definitely ours, no ifs, no buts,” ayon kay Atienza.

“President Duterte’s position for the joint exploration is a win-win situation and will definitely benefit both countries economically from whatever is discovered and developed in the area,” dagdag ng kongresista.

Sabi ni Atienza, hindi na dapat pakinggan ang mga pulitikong puro kontra dahil kung emosyon ang palaging paiiralin ay mas walang mangyayari sa Pilipinas.

“Can they guarantee any beneficial effects if we go up against our superpower neighbor? Sayang lang if we don’t push through with this,” ani Atienza.

“Wala naman tayong pera pang-explore on our own. E wala nga tayo ni perang panglinis ng Pasig River. We fully support the President on this and we believe this is the best solution for everyone,” diin ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?