67
ABANTE-TNT stroke traslacion 62 nazarene
Jan 9, 2018 @ 17:25
By

62-anyos na-stroke sa traslacion ng Black Nazarene

Nakapagtala ang Ospital ng Maynila ng limang seryosong kaso ng mga nasugatan sa traslacion ng Itim na Nazareno na tuloy ang pag-usad habang isinusulat ang balitang ito.

Kabilang dito ang isang 62-anyos na ginang na biktima ng cerebral vascular accident at dati nang na-stroke.

“Na-stroke na siya dati pero unfortunately pumila siya, wala pa kasama, nag-iisa ‘di siya makaalis sa pila, hindi rin kumain at ‘di nakadala ng gamot kaya hinimatay. We had to bring her to the hospital. The sad part another stroke ang nangyari, so lumala ang kondisyon niya,” ayon kay Manila Health Department (MHD) Emergency Management Chief Dr. Virgilio Martin III.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kaninang alas-tres ng hapon, nasa 400,000 deboto ang namonitor nila sa Quiapo Church na dumadalo sa misa at naghihintay sa imahen ng Itim na Nazareno.

Sa kabuuan ayon kay NCRPO Spokesperson Police Chief Inspector Kimberly Molitas, nananatiling payapa ang ginaganap na traslacion. (Juliet de Loza-Cudia/Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?