140

Dec 25, 2017 @ 11:06

62-anyos na lolo, buena mano sa naputukan ngayong Pasko

Buena-mano ang isang 62-anyos na lolo sa listahan ng firecracker-related injury matapos masugatan sa whistlebomb, sa tala ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City.

Ito ang kauna-unahang insidente mula nang magsimula umano ang Department of Health (DOH) sa pagmomonitor nito sa mga mapuputukan noong Disyembre 21.

Ipinoste ng reporter ng Super Radyo dzBB ang ilang mga larawan kung saan makikita ang isang biktima sa fireworks-related injury surveillance board para sa 2017 ng EAMC.

May inisyal lang ito na ‘MJ’, na taga- Barangay Pag-Asa, Quezon City.

Sa report pa ng himpilan, na-discharge ito bago mag-alas-otso ng umaga ngayong Pasko.

Matatandaang nagpaalala ang Malacañang sa publiko na mahigpit na sundin ang firecracker ban sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.

Ayon sa Palasyo, bawal na ang magpaputok sa bahay at kailangang gawin ito sa isang itinalagang lugar sa barangay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?