17

By

61st Palaro iraratsada ni Duterte

Sharing is caring!

Magtatalumpati bilang panauhing-pandangal at tagapagsalita saka pormal na bubuksan bukas ng hapon (Abril 15) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang 61st Palarong Pambansa 2018 sa Elpidio Quirino Stadium sa Bantay, Ilocos Sur.

Ipakikilala ang Punong Ehekutibo ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa kanyang ikalawang sunod na taong pagdalo sa okasyon, inaasahang muling igigiit niya sa mga kabataang atleta sa sekondarya’t primarya tulad noong isang taon sa San Jose de Buenavista, Antique, na huwag magdroga.

Dadalo rin sa pagtitipon na may tema sa taong itong “Palarong Pambansa 2018: Championing The Spirit of Young Filipino Athletes” na sisimulan sa alas-11:30 ng umaga sina Department of Education Secretary Leonor Briones, Philippine Sports Commission Commissioner Charles Raymond Maxey, Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at sina Olympian swimmer Joseph Eric Buhain, four-time Bowling World Cup champion Rafael Nepomuceno at 8-time world pro-boxing champ Sen. Emmanuel Pacquiao.

Kaugnay nito, pinairal ni Vigan Police chief Supt. Marlon Castillo, Jr. ang total gun ban sa buong lalawigan, lalo na sa UNESCO World Heritage Site Vigan City at karatig pang mga bayan na pagdarausan ng 23 regular sports, 3 demonstration sports at 4 na special games.

Tanging mga pulis at military lamang ang puwedeng magdala ng baril, pero nakauniporme rin dapat mula kahapon hanggang Abril 21 sa pagtitipong nagsisilbi ring ika-200 anibersaryo ng maayos na paghihiwalay ng Ilocos Sur at Ilocos Norte.

Lalaruin sa secondary boys and girls ang archery, arnis, athletics, badminton, basketball, billiard, chess, artistic gymnastics, sepak takraw, swimming, table tennis, taekwondo, lawn tennis, volleyball, wushu, at wrestling.

Mayroon ding HS boy’s sa baseball, boxing at football, at HS gir’ls futsal, rhythmic gymnastics at softball.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?