bigas1
By

614 tindero ng bigas, binawian ng lisensiya

Sharing is caring!

Sa kasagsagan ng isyu sa supply ng bigas sa bansa, 614 negosyante ng pambansang butil ang tinanggalan ng lisensiya ng National Food Authority (NFA) simula noong Enero.

Sinabi ni NFA Administrator Jason Aquino, ang hakbang ay bunga ng pagbisita ng kanilang Security Services and Investigation Department sa 6,986 tindahan ng bigas sa buong bansa.

Aniya, mayorya sa mga paglabag ay: expired ang NFA license, walang NFA license, hindi pagsunod sa itinakdang paraan ng pagtitinda ng bigas, partikular na ang hindi paglalagay ng price tags at signboards.

Ngunit ayon pa kay Aquino, may mga nahuli rin sila na nagre-rebag ng NFA rice, overpricing at pagdadala nito sa ibang lugar.

Iginiit ng opisyal na ang mga ito ay seryosong paglabag at sakop ng kanilang “one-strike policy”, kung saan ang mahuhuli ay agad na babawian ng lisensiya.

Ibinahagi nito na simula nang bumaba ang supply ng NFA rice ay ipinag-utos na niya ang mahigpit na pagbabantay sa mga tindahan ng bigas.

Nakakolekta rin sila ng mahigit P7.9 milyong multa sa mga paglabag.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?