43
npa3
Apr 27, 2018 @ 19:31
By

19 NPA sumuko sa militar sa Mountain Province

Nasa 19 na mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang kusang nagtungo sa militar sa Mountain Province para magbalik-loob sa pamahalaan kaninang umaga.

Ayon kay Northern Luzon Command (Nolcom) Spokesman Lt. Col. Isagani Nato, alas-7:30 ng umaga nang sumuko ang mga teroristang NPA.

Isinuko rin ng mga terorista ang isang M16 rifle at isang Carbine sa 5th Infantry Division (5ID).

Inaasahan naman ng Nolcom na mas dadami pa ang mga susukong NPA dahil hindi itinitigil ng militar ang kanilang focused military operations.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?