22

Jul 30, 2020 @ 18:16
By

60K Grab driver, delivery rider, libre sa COVID-19 testing

Tinatayang aabot sa mahigit 60,000 delivery riders ng ride-hailing firm Grab ang sasailalim sa libreng test sa COVID-19, ayon kay Philippines’ testing czar Vince Dizon sa press briefing nitong Huwebes.

Ayon kay Dizon, ang free COVID-19 testing sa 60,000 Grab drivers at riders ay bahagi ng kanilang inisyatibong ‘expanded targeted testing’ at ito ay sakop ng Philippine Health Insurance Corporation.

Aniya, ang mga drivers at riders ay maaaring magtungo para sa libreng RT-PCR testing site sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City.

Sinabi ni Dizon, ang ‘swab samples’ ng driver-partners ng kumpanya ay ipoproseso sa Philippine Red Cross, na accredited ng COVID-19 testing center.

Kasabay nito, sinabi rin ni Grab Philippines President Brian Cu na naglaan din umano ang kanilang kumpanya ng P10,000 pataas bilang ayuda sa kanilang drivers o riders na magpopositibo sa virus na hindi makakapagtrabaho dahil sa ‘mandatory two-week quarantine.’

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?