46

Mar 4, 2020 @ 19:20
By

600,000 surgical mask kinumpiska sa Indonesia

Mahigit kalahating milyong surgical mask ang kinumpiska ng Indonesian police sa isang warehouse sa Jakarta.

Isinagawa ang pagsalakay noong Marso 3 ng gabi sa warehouse sa Tangerang, ayon sa Daily Mail.

Walang daw permiso ang mga may-ari nito na mag-distribute ng mga mask.

Paliwanag pa ng Jakarta police, biglang taas ang presyo ng mga mask nang ianunsyo ang unang kaso ng coronavirus sa kanilang bansa.

Nagkaroon na rin daw ng mga shortage ng face mask dahil umano sa mga hoarder na gustong samantalahin at kumita nang malaki.

Sa Indonesia, may katapat na hanggang limang taon na pagkakakulong at malaking multa ang sinumang mapapatunayang nagtatago ng mga face mask.

Noong Marso 2 nang kumpirmahin ng Indonesia ang unang kaso ng coronavirus sa kanilang bansa, na isang 64-anyos na babae at 31-anyos niyang anak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?