10

By

600 pasahero stranded sa pier sa Bicol, Southern Tagalog – Coast Guard

Sharing is caring!

Mahigit 600 na mga pasahero ang mga stranded sa mga pantalan sa Bicol at Southern Luzon dahil sa masamang panahon at malakas na alon.

Ayon sa tala ng Philippine Coast Guard, kabuuang 635 na mga pasahero ang hindi nakabyahe mula sa dalawang rehiyon, partikular na sa Pasacao Port, Calatagan Port, Port of Tingloy, Port of Real, Port of Infanta at Port of Polilio.

Labing siyam naman na mga motorbanca ang stranded at isang barko ang nag-take shelter.

Samantala, sinabi naman ni Commander Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG, na tumulong din ang ahensya sa pagrescue sa mga residenteng na-stranded sa mga bahay dahil sa matinding baha sa Marikina at Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?