36

By

600 pasahero ng MRT pinababa dahil sa electrical failure

Kinailangang pababain ng MRT ang may 600 na pasahero matapos magkaproblema ang kanilang tren nitong Sabado ng hapon.

Ayon sa ulat, electrical failure ang sanhi ng paghinto ng MRT 3 train sa northbound tracks sa Shaw Boulevard Station dakong alas-2:20 ng hapon.

Makalipas ng ilang minuto, nakasakay ang mga pasahero sa sumunod na tren.

Noong Huwebes, mababang power supply naman ang naging sanhi ng paghinto ng MRT train sa GMA-Kamuning Station at Quezon Avenue Station.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?